^

Metro

DOJ binulabog ng bomb threat

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binulabog ng bomb threat ang  tanggapan ng  Department of Justice na nagresulta sa pagpapalabas sa mga kawani kahapon ng  umaga.

Kaagad namang  sinuyod ng mga tauhan ng NBI bomb squad at PNP-Explosives Ordnance Division (EOD) ang mga sulok ng nasabing opisina matapos makatanggap ng bomb threat.

Nasa kahabaan ng Padre Faura Street sa Maynila ang lahat na mga pinalabas na kawani ng ahensiya.

Ayon sa guwardiya ng  DOJ, mismong ang tanggapan ni Secretary Leila de Lima ang nakatanggap ng  bomb threat dakong alas-10 ng  umaga.

Hiling umano ng  tumawag na ibalik ang visitation rights ng mga preso sa New Bilibid Prison (NBP).

Maalala na ipinag-utos ni de Lima ang pagsuspinde sa dalaw sa mga preso ng NBP hangga’t hindi nagkakaroon ng kalinawan ang pagpapasabog ng granada sa maximum security compound na ikinamatay ng isang preso at ikinasugat ng 19 na iba pa.

vuukle comment

AYON

BINULABOG

DEPARTMENT OF JUSTICE

EXPLOSIVES ORDNANCE DIVISION

KAAGAD

MAALALA

NEW BILIBID PRISON

PADRE FAURA STREET

SECRETARY LEILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with