^

Metro

2 ‘tulak’ hulog sa bitag

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Arestado ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation ang dalawang lalaki na ‘tulak’ ng ipinagbabawal na gamot sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Vincent Calanoga, chief of police ng Marikina City ang dalawang nadakip na suspek na sina Benjie Lumbab, 27; at Edilberto Lago, 28.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Dionise Salcedo, nabatid na dakong alas-8:10 ng gabi nang isagawa ang buy-bust operation sa bahay ni Lumbab makaraang makatanggap ng impormasyon hinggil sa pagtutulak ng droga ng dalawa sa kanilang lugar.

Nabawi ng pulisya mula sa dalawa ang 10 gramo ng droga, mga drug paraphernalia, timbangan, isang 9mm na baril na may isang magazine na puno ng bala.

Nakakulong ngayon sa Marikina detention cell ang dalawa at nahaharap sa kasong drug pushing at illegal possession of firearms.

vuukle comment

ARESTADO

BENJIE LUMBAB

DIONISE SALCEDO

EDILBERTO LAGO

KINILALA

LUMBAB

MARIKINA CITY

NABAWI

NAKAKULONG

SENIOR SUPT

VINCENT CALANOGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with