^

Metro

Taxi driver ‘kinana’ ng pasahero

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang taxi driver ang hinoldap ng kanyang dalawang pasahero na ang isa dito ay nagpakilalang anak ng pulis  kahapon ng madaling araw sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Leo Ragala, 42, ng Salanad Compound, Barangay Baesa, Quezon City.

Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Ernesto Barlam, hepe ng Makati City Police, ang insidente ay naganap alas-2:45 ng madaling araw.

Ayon sa biktima, pinapasada niya ang Chill taxi (RMK-221) nang parahin siya ng dalawang kalalakihan sa may Ayala Ave­nue, Makati City at  nagpapahatid sa  area ng Maynila.

Pagsapit nila ng Osmeña Highway (dating South Super Highway), Brgy. San Antonio, Makati City, biglang naglabas ng patalim ang mga suspek at ang isa dito ay nagpakilala pa na anak siya ng isang pulis.

Matapos tangayin ng mga holdaper ang kinita ng biktima sa buong araw na pamamasada ng taxi na  nasa P2,230.00 ay bu­maba ang mga ito at sumakay sa isang nakaantabay na motorsiklo na walang plaka  at nagsitakas.

Ang biktima naman ay dali-daling nagtungo sa himpilan ng Makati City Police upang ire­klamo ang sinapit nito.

vuukle comment

AYALA AVE

BARANGAY BAESA

ERNESTO BARLAM

LEO RAGALA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE

QUEZON CITY

SALANAD COMPOUND

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with