^

Metro

Misis tinodas, mister nagbaril!

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang mag-asawa ang natag­puang patay, ang babae ay tadtad ng tama ng saksak sa katawan, habang ang lalaki naman ay may isang tama ng bala sa dibdib sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit, nakilala ang mag-asawa na sina Edward Roy Roxas, 51, business consultant at asawa nitong si Maritonie Roxas, 51, sa loob ng kanilang bahay sa no. 33 Josh Honteveros St., BF Homes, Brgy. Holy Spirit.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso, ang mag-asawa ay nadiskubre ng kanilang teenager na anak na itinago sa pangalang Aria, ganap na alas-6:30 ng umaga.

Sinasabing pagkagising ni Aria ay nagulat na lang ito nang makita ang kanyang nanay na duguang nakahandusay sa pintuan ng kanilang kuwarto at wala ng buhay.

Dahil dito, agad na nagtu­ngo si Aria sa master’s bedroom kung saan nadatnan naman niya ang kanyang tatay na duguan din at wala ng buhay.

Sa pagsisiyasat ng otoridad, ang lalaking biktima ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang dibdib, habang ang babae naman ay nagtamo ng multiple stab wounds sa iba’t-ibang parte ng kanyang katawan.

Bago ang insidente, sabi ng anak ng mga biktima, ilang araw nang nakakaranas ng emotional stress ang kanyang tatay, pero tumanggi na itong magbigay pa ng detalye kaugnay dito. Wala ring narinig na anumang putok ng baril ang anak, bago ang insidente.

Samantala, teorya ng otoridad, posibleng pinagsasaksak muna ng mister ang kanyang asawa, bago siya nagbaril sa sarili na siyang patuloy na sinisiyasat ngayon ng awtoridad.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

DAHIL

EDWARD ROY ROXAS

HOLY SPIRIT

JOSH HONTEVEROS ST.

MARITONIE ROXAS

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ROLDAN CORNEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with