^

Metro

Dumukot, nang-molestiya ng 8-anyos, arestado

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang isang 25-anyos na binata makaraan nitong dukutin at molestiyahin ang isang  grade 2 pupil, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakakulong ngayon sa Malabon City Police detention cell at nahaharap sa kaso ang suspek na si  Rodney dela Cruz, ng Sitio 6, Dumpsite, Brgy. Catmon na nasabing lungsod.

Batay sa ulat ni PO1 Jocelyn Castro, ng Women and Children Protection Desk (WCPD) Malabon City Police, alas-7:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa masukal na damuhan ng nasabing barangay.

Nabatid, naglalaro umano ang biktima na itinago sa pa­ngalang Katy, 8, sa tapat ng kanilang bahay sa naturang lugar nang bigla na lamang siyang yakapin at bitbitin ng suspek at dalhin sa damuhan.

Doon umano ay sapilitang  pinaghubad ng suspect ang paslit at saka tuluyang minolestoiya.

Nasaksihan naman ito ng isang batang kalaro ng biktima na nagsumbong sa kanyang nanay at naging daan upang iulat ang insidente sa barangay kung saan tuluyang nadakip ang suspect.

vuukle comment

BATAY

BRGY

CATMON

CRUZ

DUMPSITE

JOCELYN CASTRO

MALABON CITY

MALABON CITY POLICE

WOMEN AND CHILDREN PROTECTION DESK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with