^

Metro

LTFRB handang tumanggap ng sumbong ngayong holiday season

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Binuksan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang pintuan para tumanggap ng mga reklamo na karaniwang nagaganap tuwing holiday season laban sa  lahat ng uri ng mga pampasaherong sasakyan.

Sa isang panayam, sinabi ni Engr Ronaldo Corpuz, board member ng LTFRB, karaniwang reklamo tuwing holiday season ay ang pagka cutting trip ng mga passenger ve­hicles dahil sa tindi ng traffic sa mga lansangan lalu na sa mga daan na malapit sa malls at mga pamilihan.

Pero sinabi ni Corpuz na dapat ireklamo sa ahensiya ang mga ganitong paglabag na ginagawa ng mga PUVs.

Kadalasan itong nasusumpungan base sa mga ulat na natanggap ng ahensiya sa mga bumibiyaheng mga bus at  jeep sa  kahabaan ng Quezon Avenue, Kamuning, Mindanao Avenue  sa Quezon City  at Quiapo area sa Sta Cruz, Divisoria area sa Maynila dahil  sa matinding traffic na ayaw nang suungin ng mga driver dahilan para maglakad ang mga pasahero ng ilang metro para makarating sa kanilang destinasyon.

“Pag may reklamo kayo isumbong ninyo sa amin para maaaksiyunan  at mapatawan namin ng parusa ang mga lumalabag sa isinasaad ng kanilang prangkisa” pahayag ni Corpuz.

Sinasabing isa ring reklamo sa LTFRB ay ang mataas na singil sa pasahe sa mga AUVs na  halos lahat ay sila ang nagtatakda ng pasahe ng mga pasahero.

“Ang bayad sa AUV dahil point to point yan ay P2.00 per kilometer. Hindi puwedeng magtaas ng mas mataas diyan ang mga AUVs, ireklamo ninyo sa amin ang mga nag-oover-charging dahil may parusa yan,” paliwanag pa ni Corpuz.

Tampulan ng reklamo ang mga AUVs na may terminal sa   North Edsa sa QC kung saan ang biyaheng  North Deparo ay kumokolekta ng P45.00 kada tao sa kabila na dapat ay P30.00 lamang bukod pa sa sumbong na hindi nagbibigay ng discount sa senior citizen at mga mag-aaral.

vuukle comment

CORPUZ

ENGR RONALDO CORPUZ

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING REGULATORY BOARD

MINDANAO AVENUE

NORTH DEPARO

NORTH EDSA

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with