^

Metro

Dahil sa titig, obrero dedo sa kalugar

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dahil lamang sa titig isang binata ang sinaksak at napatay ng kanyang kalugar,  kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa City.

Dead on arrival sa Alabang­ Medical Clinic ang biktimang si Marcelino Gacias, 21, construction worker, nakatira sa GK Sison, Magdaong Drive, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod sanhi ng tinamong malalim na saksak sa dibdib.

Pinaghahanap pa ng pulisya ang suspek na si Jayson Gonzales, naka­tira rin sa naturang lugar.

Sa report na natanggap ni Senior Supt. Noel Nobleza, hepe ng Muntinlupa City Police, naganap ang insidente alas-7:00 ng gabi sa harapan ng tinitirhan ng biktima sa GK Sison, Magdaong Drive, Brgy. Poblacion ng naturang lungsod kung saan nakatayo ang biktima at napatitig ito sa suspek na ikinagalit naman ng huli.

Dito na bumunot ng patalim ang suspek at nang makita ito ng biktima ay dali-dali itong pumasok sa kanilang bahay, subalit hinabol siya ni Gonzales.

Nang maabutan ni Gonzales si Gacias dito na niya ito inundayan ng saksak at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

vuukle comment

BRGY

GONZALES

JAYSON GONZALES

MARCELINO GACIAS

MEDICAL CLINIC

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

NOEL NOBLEZA

SENIOR SUPT

SISON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with