^

Metro

Lolong ‘tulak’, tiklo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng isang 60-anyos na lolo makaraang masakote ng pulisya sa ikinasang drug operasyon sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Senior Supt. Rho­derick Armamento ang nadakip na si Bonifacio Salison, alyas Boni, may-asawa, at naninirahan sa Bldg. 30A Unit 1 Disiplina Village, Brgy. Ugong, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Station Anti-Illegal Drugs unit, nagsasa­gawa ang kanilang mga tauhan ng surveillance ope­ration sa may Lamesa Street, Brgy. Ugong, nang maispatan si Salison na kasama sa target watchlist sa iligal na droga sa lungsod.

Nang masakote, nakuha sa posesyon nito ang isang pakete na naglalaman ng shabu na nakasingit sa bracelet ng suot nitong relo at isang SYM motorcycle (1374 TZ) na ga­mit nito sa operasyon.

Ayon kay Armamento, si Salison ang kilalang ‘tulak’ ng iligal na droga sa may Disiplina Village na matagal nang hinahanting ng pulisya.  Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

ARMAMENTO

BONIFACIO SALISON

BRGY

DISIPLINA VILLAGE

DRUGS ACT

LAMESA STREET

SALISON

SENIOR SUPT

UGONG

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with