^

Metro

1 todas, 2 sugatan sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang patay habang dalawa ang sugatan makaraang paulanan  ng bala ng riding in tandem habang ang mga una ay masayang nagkukuwentuhan sa isang kalye sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival si Jeffrey Padua, 22 ng Abad Santos St., Bgy. Sta Lucia sa lungsod  samantalang ginagamot naman sa  Quezon City General Hospital sina Heidi Capili, 16, at Gilbert Ang, 37 residente din sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PO2 Erickson Isidro, ng QCPD-CIDU, dalawang lalaki na pawang nakasuot ng helmet ang  mabilis na tumakas sakay ng isang motorsiklo ang responsable sa krimen.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng P. Burgos St., corner J. Abad Santos St., Bgy. Sta. Lucia, ganap na alas-9:45 ng gabi.

Ayon sa saksi nagkukuwentuhan silang magkakaibigan nang dumaan ang isang motorsiklo na may isang angkas sa likod.

Mabilis itong lumiko at huminto saka nagbunot ng kanilang baril at sunud-sunod na pinaputukan ang mga biktima, saka ma­bilis na nagsipagtakas.

Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ABAD SANTOS ST.

BGY

BURGOS ST.

ERICKSON ISIDRO

GILBERT ANG

HEIDI CAPILI

JEFFREY PADUA

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

STA LUCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with