^

Metro

Kelot lumundag mula 4th floor ng mall, dedo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dedo  ang isang miyembro ng ‘Bahala na Gang’ makaraang tumalon mula sa ika-apat na palapag ng isang mall habang ito ay sabog sa iligal na droga sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Ayon kay SPO4 Rafael de Peralta ng Quezon City police District-Criminal Investigation and Detection Unit, ang biktima na walang pagkakakilanlan ay isinalarawan sa pagitan ng edad na 30-35,  may taas na 5’5’’, nakasuot ng kulay dilaw na jersey, basketball short, may tattoo na BNG sa balikat, Princesa sa may likod at BNG sa may hita.

Nangyari ang insidente sa may loob ng isang  mall sa  Quezon Avenue, Brgy. Sta. Rita ganap na alas 11- ng umaga.

Sabi ni PO3 Roldan Cornejo, may hawak ng kaso, bago ang insidente, kumain  muna umano ng ice cream ang biktima sa isang fastfood sa loob ng mall.

Matapos ito, bigla na lamang nagtatakbo ang biktima saka lumundag pabagsak sa ground floor.

Base sa kuha ng CCTV camera ng mall makikita ang paglundag ng biktima mula sa 4th floor pero bago ito tuluyang nahulog ay sumabit pa ito sa dekorasyon na nakakabit sa harang na bakal.

Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Capitol Me­dical Center pero idineklara ring dead-on-arrival.

 

vuukle comment

AYON

BAHALA

BRGY

CAPITOL ME

DISTRICT-CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

MATAPOS

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

ROLDAN CORNEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with