^

Metro

Dahil sa sakit mister nagbaril sa sarili

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang 56-anyos na lalaki dahil umano sa hindi na matiis na sakit, ang severe thyroid malignancy sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon. Ang biktima ay kinilalang si Buenvenido Yap, ng Freedom St., Brgy. Pasong Tamo sa lungsod.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, imbestigador sa kaso, si Yap ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang kanang sentido na naglagos  sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo.

May nakuha rin anyang suicide note sa tabi ng biktima na nagsasaad na “Sa UP ako iburol saka ako i-cremate ng 12 noon”. Lumitaw na  ang biktima ay  ginamot na  sa V. Luna hospital pero na-discharge agad dahil sa sakit na severe thyroid malignancy.

Sabi ni PO2 Tejerero, nadiskubre ang bangkay ng biktima ng kanilang caretaker na si Ferdinand Luis ilang segundo matapos makarinig ito ng putok ng baril mula sa loob ng bahay nito. Agad na ipinagbigay-alam ni Luis ang pangyayari sa kapatid ng biktima na si Jose na siya namang tumawag sa awtoridad para sa kaukulang pagsisiyasat.

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang kalibre .45 baril na may magazine na may tatlong bala, gayundin ang dalawang bala at isang basyo nito.

 

vuukle comment

ANTHONY TEJERERO

AYON

BRGY

BUENVENIDO YAP

FERDINAND LUIS

FREEDOM ST.

LUIS

LUMITAW

NAGPAKAMATAY

PASONG TAMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with