^

Metro

3 kilo ng shabu nasamsam sa drug operation

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng pulisya ang isang babae na hini­hinalang big-time drug trafficker kasunod ng pagkakasamsam sa tatlong kilo ng shabu sa isinagawang anti-drug operation sa Ermita sa Maynila, kamakalawa ng gabi. Dakong alas-11:45 ng gabi ng isagawa ang operasyon sa kahabaan ng Agoncillo St. sa Malate.

Sa pagtaya ng mga opisyal ang nasamsam na shabu ay tinatayang nagka­kahalaga ng P18 milyon.

Isang kahinahilang sasakyan ang hinarang ng pinagsanib na elemento ng PNP-Task Force Tugis at ng PNP Highway Patrol Group at mula dito ay nakuha ang tatlong kilo ng shabu.

Arestado rin sa ope­ras­yon ang isang 30-anyos na si Sheila Adam Somar.

Sa pahayag naman ng nasabing babae, wala siyang alam sa nakum­piskang droga sa nasa­bing behikulo at pinuwersa lamang umano siyang sumakay dito ng hindi pa nakilalang mga kalalakihan matapos na maispatan ng mobile car ng pulisya.

Ayon pa sa mga opis­yal, kasalukuyan na ring inaalam ang posibleng ug­na­yan ng nasabing babae sa sindikato ng illegal na droga sa lungsod ng Maynila at mga karatig lalawigan.

Patuloy naman ang pag­tugis ng mga awtoridad sa sindikatong nasa likod ng nasabing transaksyon ng droga.

 

vuukle comment

AGONCILLO ST.

ARESTADO

AYON

BUMAGSAK

HIGHWAY PATROL GROUP

MAYNILA

SHEILA ADAM SOMAR

SHY

TASK FORCE TUGIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with