^

Metro

Binata, utas sa tarak ng mason

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patraydor na tinarakan ng isang mason ang isang 33-anyos na binata sa likod habang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan na naging dahilan ng pagkamatay nito sa Mandaluyong City, kamakalawa ng gabi.

Namatay habang ginagamot sa Mandaluyong City Medical Center ang biktimang si Archie Aberin, residente ng Purok 2, Brgy. Mauway, Mandaluyong City bunsod ng tinamong isang malalim na saksak sa kanang bahagi ng kanyang likod.

Samantala, arestado naman sa follow-up operation ang suspek na si Arnold Maqui, 36, na pansamantalang naninirahan sa Kanlaon St., Brgy. Highway Hills, Mandaluyong City.

Si Maqui ay kasalukuyang nakadetine sa Mandaluyong City Police detention center at nahaharap na sa kasong murder.

Batay sa ulat ni SPO1 Marlon Climacosa ng Criminal Investigation Unit (CIU), dakong alas-8:49 ng gabi nang mangyari ang krimen habang ang biktima umano ay masayang nakikipagkwentuhan sa kanyang mga kaibigan sa kahabaan ng Kanlaon St., kanto ng Mariveles St.

Bigla na lamang umanong dumating ang suspek na armado ng balisong at sa hindi pa malamang kadahilanan ay walang sabi-sabing tinarakan nito ng saksak sa likod ang biktima saka tumakas.

Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit nasawi rin.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo sa krimen.

vuukle comment

ARCHIE ABERIN

ARNOLD MAQUI

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

HIGHWAY HILLS

KANLAON ST.

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY MEDICAL CENTER

MANDALUYONG CITY POLICE

MARIVELES ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with