^

Metro

Pangulo ng homeowners, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Agad na nasawi ang pangulo ng isang homeowners association­ makaraang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikilalang salarin habang nagsasara ang biktima ng kanyang tindahan, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ang biktimang nakilalang si Egmedio Salvan, 48, ng  Gulayan St., Brgy. Concepcion at pangulo ng Gulayan Homeowners Association.

Sa ulat, isinasara na ng biktima ang kanyang sari-sari store sa tapat ng kanyang bahay dakong alas-11:55 ng gabi nang umalingawngaw ang isang putok ng baril.

Nang puntahan ng mga kaanak, naliligo na sa sariling dugo ang biktima habang mabilis na nakatakas ang suspect.

Tinitingnan naman ng pulisya ang anggulo na lupain ang dahilan ng pamamaslang.

Sinabi ng misis ng biktima na si Delia na nais ni Salvan na maayos na ang titulo ng kinati­tirikang mga bahay ng mga residente.

Ngunit may kumokontra umano dahil sa mawawalan ng koleksyon ang sindikato na nagpapaupa ng bahay sa kanilang lugar.

vuukle comment

BRGY

CONCEPCION

DELIA

EGMEDIO SALVAN

GULAYAN HOMEOWNERS ASSOCIATION

GULAYAN ST.

MALABON CITY

NAGTAMO

NANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with