^

Metro

Acetylene gang sumalakay, P.5-M alahas tangay

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nasimot ang iba’t ibang uri ng alahas nang pasukin ang isang jewelry shop ng mga miyembro ng acetylene gang sa pamamagitan ng pagtungkab sa semen­tadong kisame na ang tapat ay ikalawang palapag ng pa­upahang silid ng gusali sa Binondo, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa pagbubukas ng QT Gift Items na matatagpuan sa panulukan ng Ongpin at Puyat Sts., sa Binondo, Maynila ng tinderang si Charito Malibiran dakong alas-9:20 ng umaga ng Lunes nang madiskubre na wala na ang mga alahas na paninda.

Tinatayang nasa mahigit P500,000 ang halaga ng nakulimbat na alahas.

Sa imbestigasyon ni PO3 Sol Peruda ng Manila Police District-Station 11, ang naninirahan umano sa 2nd floor na katapat na pawnshop ay isang Joan Gao.

Nabatid na kababayad pa lamang umano ng downpayment sa administrator ng building ni Gao sa pamamagitan ng tseke nitong nakalipas na Biyernes.

Kahapon ay nakita ng mga awtoridad na wasak ang kisame ng nasabing jewelry shop at sa inupahang silid ni Gao nagmula ang acetylene gang na tumungkab ng sementadong kisame at nagsisilbing sahig naman ng ikalawang palapag.

Hindi naman napakinabangan ang nakakabit na closed-circuit television (CCTV) sa tapat ng jewelry shop dahil sinira rin ito ng mga kawatan bago pa ang panloloob.

Gayunman, sinisikap pa rin ng pulisya na hanapin at umano’y hingan ng paliwanag si Gao na hindi na matagpuan nang maganap ang insidente.

Inaalam kung may kina­laman ito at kung totoo ang pangalan na ibinigay nito sa pamunuan ng gusali dahil sa mga nakalipas na tulad na insidente, napaulat na ang nangungupahan sa pakay na pagnakawan ay kasabwat ng grupo.

vuukle comment

BINONDO

CHARITO MALIBIRAN

GAO

GIFT ITEMS

JOAN GAO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MAYNILA

PUYAT STS

SOL PERUDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with