Senior citizens, natuwa sa libreng sakay
(The Philippine Star) - October 5, 2014 - 12:00am

MANILA, Philippines - Labis na ikinatuwa at ipinagpapasalamat ng mga senior citizen ang pagkakaloob ng Light Rail Transit (LRT) Lines 1 at 2 ng libreng sakay sa kanila kahapon bilang selebrasyon sa Elderly Filipino Week.

Ayon kay Aling Arsenia, 75, ng Paco, Manila, at isa sa mga pasahero ng LRT na nakinabang sa libreng sakay, nakatutuwang kahit sa mga ganitong simpleng bagay ay naipapakita ang pagbibigay-halaga sa mga senior citizen.

Tinatayang daang senior citizen rin naman ang nakinabang sa libreng sakay ng LRT-1 at 2 na isinagawa simula alas-5:00 ng ma­daling-araw hanggang sa pagtatapos ng revenue service. Kinailangan lamang ng mga matatanda na magpakita ng senior citizen’s ID sa mga guwardiya sa istasyon ng tren upang maka-avail ng libreng sakay. (Mer Layson­)

ALING ARSENIA AYON CITIZEN ELDERLY FILIPINO WEEK KINAILANGAN LIBRENG LIGHT RAIL TRANSIT MER LAYSON TINATAYANG
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with