^

Metro

Pagbiyahe ng MRT-3 train na bukas ang pinto, bubusisiin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Iimbestigahan ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT-3) ang napaulat na pagbiyahe ng isang northbound train nito noong Martes ng gabi kahit pa bukas ang isang pinto, na delikado para sa mga pasahero.

Ayon kay MRT-3 spokesman Atty. Hernando T. Cabrera, hindi dapat na pinayagang ma­kabiyahe ang naturang tren dahil bukas ang pinto nito at tiniyak na paiimbestigahan kaagad nila ang insidente.

Nauna rito, isang pasahero ng tren ang nagpaskil sa kanyang Facebook account ng isang video na nagpapakita hinggil sa pagbiyahe ng sinakyang tren ng MRT-3 na nakabukas ang pinto nito.

Northbound umano ang ruta ng tren, na puno ng pasahero, at patungo sa Boni Station, ganap na alas-8:40 ng gabi.

Anang pasahero, tumigil muna ang tren ng may 20 hanggang 30-minuto sa pagitan ng Guadalupe at Boni stations nang ianunsyo ng train operator na isang pinto nito ang hindi masyadong naisa­rado sa Guadalupe station.

Sinubukan pa umano ng train operator na gawing manu-mano ang pagsasara ng pinto ngunit nabigo ito.

Sa kabila naman ng hindi nakasara ang pinto ay ibiniyahe pa rin umano ng train operator ang tren patungo sa Boni Station at dito pa lamang inianunsyo na ibababa ang mga pasahero pagsapit nila sa Boni station.

vuukle comment

ANANG

AYON

BONI

BONI STATION

CABRERA

FACEBOOK

GUADALUPE

HERNANDO T

METRO RAIL TRANSIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with