^

Metro

Family driver, pumalag sa holdap tinodas

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang  family driver  ang  pinagsasaksak hanggang sa mapatay matapos na  pumalag sa holdap kahapon ng madaling araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Dead-on-the-spot ang  biktimang si Benedicto dela Cruz, 52, ng Pedro Guevarra St., Sta. Cruz, Manila dahil sa tinamong saksak sa  dibdib, likod, braso at tadyang. Naganap ang insidente dakong alas-4 ng madaling-araw habang ang biktima ay naglalakad sa panulukan ng  Fugoso at M. Natividad Sts. sa Sta. Cruz, Maynila papasok sa kanyang ng trabaho bilang family driver nang harangin  ng   apat  na kalalakihan at inakbayan sabay hingi sa bag nito.

Tumanggi ang biktima na ibigay ang kanyang gamit sa pagsasabing  damit  at pagkain lamang ang laman ng kanyang bag.

Ayon  sa isang  saksi, nakita niya ang  biktima   na tila nakikipagpambuno sa mga suspek hanggang sa marinig niya ang   pahayag ng biktima ng “wala akong pera, wala akong pera,” saka walang awang pinag-uundayan ng saksak ng suspek.

Nabatid sa ka-live-in ng biktima na tanging baon lamang na pagkain sa tanghalian ang laman ng bag ni Dela Cruz at ang pera nito ay P100

vuukle comment

AYON

BENEDICTO

CRUZ

DELA CRUZ

FUGOSO

ISANG

MAYNILA

NATIVIDAD STS

PEDRO GUEVARRA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with