^

Metro

Inakalang tiktik ng PNP, itinumba

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang  ang hinihinalang miyembro ng sindikato ng iligal na droga na inakalang asset ng pulisya matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Jacquelyn Leongson, 42, ng Block 33 Lot 20 Aries Street sa Barangay San Roque sa nasabing lungsod.

Sa ulat ng Navotas PNP, naglalakad mag-isa ang biktima sa bisinidad ng Fatima Street sa Barangay Daang Hari nang harangin at ratratin.

Bagama’t blangko sa pagkakakilanlan ng gunman dahil sa kawalang-kooperasyon ng mga residente, naniniwala ang pulisya na napagkamalan ng sindikato ang biktima na isang police asset dahil sa palaging kasama ito ng isang police asset.

vuukle comment

ARIES STREET

BAGAMA

BARANGAY DAANG HARI

BARANGAY SAN ROQUE

FATIMA STREET

JACQUELYN LEONGSON

NAGTAMO

NAPASLANG

NAVOTAS

NAVOTAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with