^

Metro

Trader na ‘Dugo-Dugo’, P.7-M alahas natangay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muli na namang sumalakay ang kilabot na “Dugo-Dugo gang” sa lungsod Quezon, matapos na tangayin  ang P700,000 halaga ng alahas, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa ulat ni SPO1 Joselito Gagaza, may-hawak ng kaso, nakilala ang biktima na si Tony Ong, 47, ng no. 116 K-10, Brgy. East Kamias, sa lungsod.

Nagawang matangay ng grupo ang nasabing alahas sa pamamagitan ng katulong ng biktima na si Maria Leniema Pizarra na pinaniwala ng grupo na naaksidente ang biktima.

Naganap ang insidente, sa pagitan ng alas-3:15 ng hapon hanggang alas-5 kamakalawa ng hapon. Sabi ni Pizarra, nakatanggap siya ng tawag sa telepono buhat sa isang babaeng nagpakilalang Catherine na nagsabing ang kanyang among si Tony Ong ay nasangkot sa vehicular accident.

Ayon pa kay Pizarra ay inutusan siya ng caller na hanapin ang safety vault na nakatago sa may master’s bedroom at kunin ang mga laman nito. Nang mabuksan ay saka kinuha ni Pizarra ang laman sa loob at ibinalot sa isang towel saka inilagay sa isang paper bag, bago sumakay ng taxi at inihatid ito sa LRT 2 Gilmore Station na pinagkasunduan nilang magkita ng suspek.

Subalit, makalipas ang halos 30 minutong paghi­hintay ay nakatanggap ng tawag si Pizarra ng tawag mula sa kanyang amo na hindi siya nasangkot sa anumang aksidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

DUGO-DUGO

EAST KAMIAS

GILMORE STATION

JOSELITO GAGAZA

MARIA LENIEMA PIZARRA

PIZARRA

TONY ONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with