^

Metro

Riding-in-tandem kumana: 3 patay sa magkakahiwalay na lugar

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 61-anyos na lady trader at dalawa ang iniulat na nasawi sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaslang kinasasangkutan ng riding-in-tandem na kriminal sa lungsod Quezon, sa Maynila at Caloocan.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni  Editha Domingueto, negosyante,  ng   Brgy. Gulod sa Quezon City nang pagbabarilin ng dalawang hindi nakikilalang mga suspect lulan ng motorsiklo alas-6:30 kamakalawa ng gabi.

Nabatid na nakikipag-kuwentuhan ang biktima sa kaibigang si Letecia Miguel nang sumulpot mula sa likuran ang mga suspek at sunud-sunod itong pagbabarilin.

Sinasabing ang biktima ay nagpapa-utang ng pera at nagnenegsyo rin ng pag-aalaga ng baboy, na siya pinagtutuunang pansin ng gagawing pagsisiyasat ng awtoridad sa nasabing insidente.

Sa Caloocan (North)  nasawi makaraang  pagbabarilin din ng riding-in- tandem na suspects  si Edison Gomez, 27, residente ng Bo. Concepcion, Tala, ng naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa inisyal na ulat, may binisita sa Phase 7-B sa Bagong Silang si Gomez at papasakay na sa kanyang motorsiklo dakong alas-8:30 ng gabi nang pumara sa kanyang tabi ang dalawang salarin lulan ng isang motorsiklo.

Agad na pinagbabaril ng lalaking nakaangkas sa motor si Gomez.  Nang bumagsak, sinundan pa ito ng putok ng baril sa katawan upang matiyak ang kamatayan nito saka mabilis na tumakas.

Hindi naman mailarawan ng mga saksi ang mga salarin na kapwa na­ka­suot umano ng crash helmet at jacket.  Inaalam din ng mga awtoridad ang motibo ng naturang krimen.

Samantala sa Maynila naman, nasawi rin ang  seaman na si Danilo Alejo­, 59, ng Tondo, Maynila ma­karaang pagbabarilin din ng tandem na suspects kamakalawa ng gabi.

Batay sa imbestigasyon alas-8 ng gabi  habang sakay ng  EILUJ taxi (TXV-173) ang biktima sa panulukan ng  Honorio Lopez Blvd. at Rodriguez St. sa Balut, Tondo kasama ang kanyang pamilya nang bigla na  lamang itong dikitan ng mga  suspek. Dito ay binaril ng isa sa mga suspek ang  biktima saka nagsitakas.

Nabatid na kauuwi pa lamang ng  biktima mula sa Middle East noong Hunyo 23.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang motibo ng  pamamaslang. (Ricky Tulipat, Danilo Garcia at Doris Franche-Borja)

vuukle comment

DANILO ALEJO

DANILO GARCIA

DORIS FRANCHE-BORJA

EDISON GOMEZ

EDITHA DOMINGUETO

GOMEZ

MAYNILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with