^

Metro

BPSO itinumba, kasamahan nadamay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng Ba­rangay Police Safety Officer (BPSO) ang nasawi habang sugatan din ang isang kasamahan nito na tinamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ang una ng isang armadong suspect sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Michael Jarabelo, 41, BPSO member ng Brgy. San Isidro Labrador ay nagawa pang maisugod sa ospital pero idineklara ring dead-on-arrival dahil sa mga tama ng bala sa kanyang katawan, ayon kay SPO1 Joe Gagaza.

Nakaratay naman sa ospital ang sugatang biktima na si Alejandro Merin, 41, na nagtamo naman ng tama ng bala ng baril sa dibdib.

Mabilis namang  tumakas ang suspect sakay ng isang Suzuki Skydrive motorcycle matapos ang krimen. Nangyari ang insidente sa may Baco St., cor. Maria Clara St., Brgy. San Isidro Labrador alas-4:05 ng ma­daling-araw.

Base sa pahayag ng su­gatang si Merin, nagpa­patrulya sila ng biktima sakay ng isang multicab ng kanilang barangay nang biglang sumulpot ang motorsiklo at hinarang sila.

Mula rito ay bumaba ang suspek sa motorsiklo saka nagbunot ng kanyang baril at pinagbabaril si Jarabelo. At dahil nasa likod si Merin ng biktima ay tinamaan din ito ng ligaw na bala.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

ALEJANDRO MERIN

BACO ST.

BRGY

JOE GAGAZA

MARIA CLARA ST.

MERIN

POLICE SAFETY OFFICER

SAN ISIDRO LABRADOR

SI MICHAEL JARABELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with