^

Metro

40-anyos itinumba sa harap ng ka-live-in

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inutas  ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ito habang naglalakad ka­sama ang live-in partner, kamakalawa ng gabi sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala sa mukha at katawan ang biktimang si Christopher Ocampo, 40,  ng Capricorn St., Brgy. San Roque, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naglalakad ang biktima kasama ang live-in partner na si Carla Manalaysay, 34, sa may Cabrera St. dakong alas-10:15 ng gabi nang harangin ng nag-iisang salarin na nakasuot ng jacket at helmet.

 Walang salitang pinutukan ng baril sa mukha ang biktima at nang bumagsak ay sinundan pa ito ng dalawang putok ng baril sa katawan para matiyak na patay na ito.  Hindi naman ginalaw ng salarin si Manalaysay bago ito tumakas.

Hinihinala naman na may kasama ang gunman at gumamit ng motorsiklo sa pag­takas. 

Patuloy namang ina­alam ng pulisya ang posibleng motibo sa naturang krimen.

vuukle comment

BRGY

CABRERA ST.

CAPRICORN ST.

CARLA MANALAYSAY

CHRISTOPHER OCAMPO

HINIHINALA

NAVOTAS CITY

SAN ROQUE

TONDO MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with