^

Metro

Shabu iniwan sa comfort room ng fast food

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng shabu na natagpuan sa loob ng comfort room ng isang fast food chain sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.

Lumalabas sa inisyal na report ng Caloocan City Police, alas-3:30 ng hapon nang matagpuan ng isang crew na hindi na binanggit ang pangalan ang bag sa loob ng comfort room ng isang branch ng isang sikat na fast food sa  Sangandaan sa naturang  lungsod.

Dahil sa insidente ay kaagad  na ipina­alam ito sa naka-duty na guwardya sa pangambang bomba ang laman na mabilis namang  itinawag sa mga pulis.

Agad namang rumesponde ang mga bomb expert ng Caloocan City Police at siniyasat ang laman at dinala sa ligtas na lugar.

 Nang buksan ay doon nabatid na shabu­ ang laman ng bag na tinatayang  aabot sa mahigit isang kilo. Inaalam na kung sino ang nag-iwan ng bag na pinaniniwalaang maaaring may kukuha nito.

Tinitingnan na rin ang kuha ng closed circuit television kung nahagip ang nag-iwan nito.

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAHIL

INAALAM

ISANG

LUMALABAS

NANG

SANGANDAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with