^

Metro

Pagkamatay ng isang mason palaisipan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palaisipan sa mga awtoridad ang  pagkamatay ng isang mason na natagpuan  kahapon ng umaga sa  construction site sa Sampaloc, Maynila.

Tinatayang  may anim na  oras nang patay si Samuel Rico Cubacub, 49 ng no. 622 Cavo F. Sanchez St. Mandaluyong City nang matagpuan ng kanyang mga kasama sa trabaho sa construction site sa Lerma St. Sampaloc, Maynila.

Sa ulat ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6 ng umaga nang ma­tag­puang patay ang biktima sa loob ng barracks.

Mag­bibihis umano ang kasamahang si Armando Mallari, 39, sa kanilang barracks nang mapansin ang na­katihayang biktima na kakaiba ang hitsura at hindi gumagalaw.

Nilapitan ni Mallari ang biktima upang gi­singin subalit malamig na ang katawan nito kaya tinawag niya ang iba pang kasamahan at nagreport sa pulisya.

Sinasabing may sakit na diabetes ang bik­tima na maaring na­ging dahilan ng  pagkahilo nito kaya naisipan nang matulog at magpahinga.  Dinala sa St. Rich Funeral Services ang  bangkay ng  biktima.

 

vuukle comment

ARMANDO MALLARI

CAVO F

LERMA ST. SAMPALOC

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

ROMMEL DEL ROSARIO

SAMUEL RICO CUBACUB

SANCHEZ ST. MANDALUYONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with