^

Metro

VP ng corp. hulog mula sa 16th flr. ng condo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Namatay ang 54-an­yos na executive officer ng kilalang development corporation makaraang malaglag mula sa ika-16 na palapag ng tinutulu­yang condominium building noong Martes ng umaga sa Makati City.

Sa naantalang ulat ng Makati City PNP, kinilala ang biktima na si Efren Tan, vice president for sales and property ng corporation.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na wala namang ibang ka­sama sa kanyang unit sa ika-16 na palapag si Tan sa BSA tower sa #108 Legazpi Street, Legazpi Village sa Barangay San Lorenzo nang maganap ang insidente.

Si Tan ay bumagsak sa canopy sa ika-7 palapag ng nasabing condo mula sa ika-16 palapag ng kanyang unit.

Ayon kay P/Senior Supt. Manuel Lukban, hepe ng Makati City PNP, tanggap na rin ng pa­milya ng biktima na isang uri ng pagpapakamatay ang naganap na insidente lalu na’t inihayag sa pulisya ng kanyang driver na balisa at tila malalim ang iniisip ni Tan nang magpahatid sa  kanyang condominium.

Hindi naman inihayag ng pamilya kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapatiwakal ni Tan habang nagpahayag na ng kalungkutan ang pamunuan ng korporasyon sa naganap na pangyayari.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN LORENZO

EFREN TAN

LEGAZPI STREET

LEGAZPI VILLAGE

MAKATI CITY

MANUEL LUKBAN

SENIOR SUPT

SI TAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with