^

Metro

Hepe ng Internal Investigation Division ng BIR, tinambangan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masuwerteng nalusutan ng isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kamatayan matapos magtamo lamang ito ng sugat sa kanang balikat sa pananambang ng riding in tandem sa East Avenue, Quezon City, ayon sa  ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Quezon City Police District director Chief Supt. Richard Albano, ang biktimang si Daniel de Jesus, 46, ang mismong nagdala  sa kanyang sarili sa malapit na ospital upang magpagamot bunga ng natamong sugat.

Base sa ulat, si De Jesus ay hepe ng Internal Investigation Division ng   kagawaran na matatagpuan sa BIR road, Diliman sa lungsod.  Sakay umano ang biktima  ng kanyang Toyota Innova (NXQ-396) nang tambangan ng naka-motorsiklong mga suspek.

Partikular na naganap ang pananambang sa may harap ng Philippine Heart Center sa kahabaan ng East Avenue, matapos na ihinto ng biktima ang kanyang sasakyan nang abutan siya ng pulang traffic light.

Sinasabing habang nakahinto ay biglang sumulpot sa harapan nito ang motorsiklo ng mga suspek, saka pinaulanan ng bala ng backrider nito ang sasakyan ng biktima. Sugatan ang biktima, subalit nagawa pa nitong makababa ng kanyang sasakyan at nakatakbo sa ligtas na lugar.

Agad na sumibat sa nasabing lugar ang mga suspek. At nang mabatid ito ng biktima ay saka muli itong bumalik sa kanyang sasakyan at ipinagmaneho ang sarili papunta sa Phillipine Heart Center para magpagamot. Pero kalaunan ay nagpasya ang biktima na magpalipat sa hindi na binanggit na ospital.

Sa pagsisiyasat ng otoridad, narekober sa lugar ang siyam na basyo ng kalibre 45 baril at isang tingga nito na ginamit ng mga suspek sa krimen.  Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF SUPT

DE JESUS

EAST AVENUE

INTERNAL INVESTIGATION DIVISION

PHILIPPINE HEART CENTER

PHILLIPINE HEART CENTER

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with