^

Metro

Helper utas sa ligaw na bala

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang lalaki matapos tamaan ng ligaw na bala habang sakay ito ng isang truck sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Si Jimbo Salvador, 21,  ng San Mateo Rizal ay nagawa pang maitakbo sa ospital pero idineklara ring dead on arrival, ayon kay PO2 Alvin Quisumbing, may-hawak ng kaso.

Sabi ni Quisumbing, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Regalado Avenue, malapit sa Commonwealth Avenue, Brgy. Greater Lagro, ganap na alas-4:35 ng ma­daling-araw.

Bago ito, sakay ang biktima ng dump truck (RBR-549) kasama ang kanyang tatay na si Mang Zosimo at tinatahak ang nasabing lugar nang biglang bumuwal ang una dahil sa tama ng ligaw na bala sa dibdib.

Agad na isinugod ng kanyang tatay ang biktima sa Common­wealth General Hospital, subalit hindi na rin ito umabot­ pa ng buhay. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing in­sidente.

vuukle comment

ALVIN QUISUMBING

BRGY

COMMONWEALTH AVENUE

GENERAL HOSPITAL

GREATER LAGRO

MANG ZOSIMO

REGALADO AVENUE

SAN MATEO RIZAL

SI JIMBO SALVADOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with