^

Metro

Pasahero itinumba sa loob ng jeep

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang pasahero na sakay ng isang jeep makaraang barilin nang malapitan sa batok ng hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Gapor Mantol, 34, ng Quiapo, Maynila na nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa batok.  

Batay sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang krimen sa jeepney terminal sa may Sitio Gitna, Brgy. Bignay, sa naturang lungsod.

Sakay ang biktima ng isang jeep at naghihintay na mapuno ng pasahero nang isang hindi nakilalang lalaki ang lumapit sa likuran nito at sunud-sunod itong pinaputukan. Hindi na nakakilos ang mga tao sa lugar nang sumakay sa isang motorsiklo na “for registration” ang plaka  ang suspect at tumakas.

 

vuukle comment

BATAY

BIGNAY

BRGY

GAPOR MANTOL

ISANG

MAYNILA

NAKILALA

PATAY

SITIO GITNA

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with