^

Metro

2 beauty queen, 2 kasamahan hinoldap

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi nakaligtas mula sa mga holdaper na riding in tandem ang dalawang beauty queen at dalawa pa nilang kasamahan matapos na biktimahin ng mga ito sa harapan ng isang Chinese restaurant sa San Juan City nitong Sabado ng gabi.

Nabatid na dakong alas-8:00 ng gabi matapos na kumain sa hindi na tinukoy na  restaurant sa N. Domingo St., ang mga biktimang sina reigning Miss Philippines Earth na si Angelee Delos Reyes, ang kanyang boyfriend na si Yussef Esteves, Miss Philippines Fire Alma Cabasal at isa pa, nang bigla­ na lang silang lapitan ng mga suspek na armado ng mga baril.

Binalak pa sanang manlaban ni Esteves pero nagda­lawang-isip ito at nangamba sa seguridad nilang magkakaibigan dahil armado ng baril ang suspek, kaya’t hindi na nito itinuloy ang plano.

Natangay ng mga suspek mula sa mga biktima ang bag na may dalawang cell­phone, pera at susi sa condo ng mga biktima.

Sa palagay ng magkakaibigan ay maaaring mi­nan­manan na sila ng mga suspek bago pa ang panghoholdap sa kanila dahil una na nilang napansin na dumaan na sa kanilang harapan ang isang kulay itim na motorsiklo na walang plaka.

Maya-maya ay bumalik ang mga suspek at saka isi­nagawa ang panghoholdap.

Nagsagawa naman ng checkpoint ang mga pulis ngunit bigo silang ma­aresto ang mga suspek.

 

vuukle comment

ANGELEE DELOS REYES

BINALAK

DOMINGO ST.

MISS PHILIPPINES EARTH

MISS PHILIPPINES FIRE ALMA CABASAL

SAN JUAN CITY

SHY

YUSSEF ESTEVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with