^

Metro

2 kelot utas sa pamamaril sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang iniulat na nasawi sa magkahiwalay na insidente­ ng pamamaril sa loob lamang ng isang oras sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District, isa sa nasawi ay nakilala lamang sa pangalang Jun-Jun, nasa pagitan ng edad na 20-25, may taas na 5’4, nakasuot ng kulay gray na long sleeve, short pants, ball cap at may tattoo na sputnik sa likod.

Habang ang ikalawang biktima ay nakilala sa pangalang Jamal, nakasuot ng itim na t-shirt, may taas na 5’4, may tattoo na “JOMEL VERSOZA” sa likod.

Sa ulat, unang nangyari ang pamamaril kay Jun-Jun sa may Aguila Terminal na matatagpuan sa Commonwealth Market, Brgy. Commonwealth, ganap na ala-1 ng madaling-araw.

Ayon kay PO2 Anthony Tejerero, dalawang kalalakihan na armado ng maliit na baril ang itinuturong bumaril kay Jun-Jun. 

Alas-12:15 naman ng madaling-araw nang paslangin ng hindi pa ring natukoy na salarin si Jamal sa may kahabaan ng Gumamela St., corner Dama de Noche St., Brgy. Central, ayon kay PO3 Erick Isidro.

Sabi ng barangay tanod na si Juan Carlos San Pascual, nagroronda sila malapit sa lugar nang makarinig sila ng mga putok ng baril. Nang kanilang puntahan ang pinanggalingan ng putok ay saka nila nakita ang walang buhay na katawan ni Jamal habang duguang nakahandusay dito.

 

vuukle comment

AGUILA TERMINAL

ANTHONY TEJERERO

BRGY

COMMONWEALTH MARKET

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

ERICK ISIDRO

GUMAMELA ST.

JAMAL

JUAN CARLOS SAN PASCUAL

JUN-JUN

NOCHE ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with