^

Metro

2 totoy sugatan sa pinulot, sinindihang mga paputok

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang batang lalaki ang humabol sa mga  nasugatan sa pagsabog ng paputok na kanilang kinolekta at pinaputok sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay Superinten­dent Michael Macapagal, hepe ng Talipapa Police Station, nakilala ang dalawang biktima na sina John Kenneth Deniega, 11, at Mar Jayson Gotos, 11, kapwa residente sa  Ilalim Tulay, Camachile, Brgy. Balumbato, sa lungsod.

Sabi ni Macapagal, ang dalawa ay nanatiling nakaratay sa MCU Hospital kung saan sila nilapatan ng lunas.

Dagdag ni Macapagal, ang dalawang biktima na grade 5 pupils sa Balumbato Elementary School  ay nasugatan sa insidente sa bakanteng lote sa Dimaano Compound in Ba­rangay Balumbato, ganap na alas-2:30 ng hapon.

Dahil sa pagsabog, ang dalawa umanong kamay ni Gotos ay kinailangang putulin. Nagtamo rin umano ito ng sugat sa kaliwang mata.

Habang si Deniega ay kailangang gamutin dahil sa sugat sa ulo na kanyang natamo sa insidente.

Nabatid na ang dalawang bata ay namumulot ng hindi pumutok na paputok sa lugar at pinagsa­sama-sama nila ito sa ba­kanteng lote.

Matapos na mapagsama-sama ang mga paputok, dagdag ni Macapagal, sinindihan nila ito at sa kasamaang palad ay sumabog na nagresulta sa pagkakasugat nilang da­lawa.

vuukle comment

BALUMBATO

BALUMBATO ELEMENTARY SCHOOL

DIMAANO COMPOUND

ILALIM TULAY

JOHN KENNETH DENIEGA

MACAPAGAL

MAR JAYSON GOTOS

MICHAEL MACAPAGAL

TALIPAPA POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with