^

Metro

Kelot tinadtad ng bala, itinapon sa basura

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaki na tinadtad ng bala sa katawan ang na­tagpuan sa kumpol ng basura sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Gat Andres Boni­facio Memorial­ Medical Center (GABMMC) ang biktimang kinilalang si Richard Dela Cruz, ng Intramuros, Maynila bunga ng mga tama ng bala na tinamo sa katawan.

Wala namang makapagsabi kung sino ang salarin, na pa­tuloy pang iniimbestigahan.

Sa ulat ni SPO2 Rodelio Lingcong ng MPD-Homicide Section, dakong  alas-9:10 ng gabi nang madiskubre ang nakahan­dusay na biktima sa tabi ng tambakan ng basura sa tapat ng  Gate 16, Parola Compound, Tondo.

Sa naging pahayag ng 16-anyos na si Jeremy Ro­mero,  resi­dente ng Area H, Parola Compound, napansin niya ang katawan ng biktima nang mapadaan siya at nang makitang duguan ay dinala ito sa pagamutan.

Ang Parola, tulad ng Baseco na magkatabi lamang ay na­ngunguna sa lugar na may mataas na insidente ng patayan na halos araw-araw ay naitatala sa MPD-Homicide Section.

 

vuukle comment

ANG PAROLA

AREA H

GAT ANDRES BONI

HOMICIDE SECTION

JEREMY RO

MAYNILA

MEDICAL CENTER

PAROLA COMPOUND

RICHARD DELA CRUZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with