^

Metro

5 miyembro ng ‘Cuya robbery group’, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Limang miyembro ng kilabot na ‘Cuya robbery/carnapping group’ na responsable sa serye ng panghoholdap at panloloob sa mga kabaha­yan sa lungsod Quezon ang natimbog ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) matapos isagawa ang pagsalakay sa kanilang lungga sa lungsod, iniulat kahapon.

Ayon kay QCPD director Chief Supt. Ri­chard Albano, nakilala ang mga nadakip na suspek na sina Jaime Barcelon Jr., 36; Bhal Katian, 45; Martin Ivan Diaz, 23; Alvin Alcantara, 31; at Elmer Barcelon, 34; pawang mga residente sa Sto. Cristo St., Brgy. Balingasa.

Ayon kay Albano, ang kanilang lider na si Jonathan Cuya, ay mu­ling nakatakas sa kamay ng kanilang tropa habang isinasagawa ang ope­rasyon.

Nabatid na nadakip ang mga suspek ng tropa ng Criminal Investigation and Detection Unit sa pangunguna ni Insp. Alan dela Cruz at Chief Insp. Elmer Monsalve, ka­sama ang QCPD re­action unit, habang isinisilbi ang warrant of arrest laban kay Jona­than Cuya alas-3:30 ng hapon sa Brgy. Ba­lingasa.

Sinasabing isisilbi sana ng tropa ng CIDU ang warrant of arrest laban kay Cuya sa nasabing bahay nang biglang magpulasan sina Cuya at Barcelon Jr., nang makita ang presensya ng mga ito.

Sabi ni Quisum­bing, mula sa labas ng bahay ay naispatan ng mga operatiba si Cuya, pero bago pa makalapit ang una ay nakatunog ang huli at mabilis na umakyat sa ikalawang palapag at pumasok sa isang kuwarto.

Hinabol naman ng mga operatiba si Cuya at puwersahang binuksan ang pinto kung saan naaktuhan ang mga suspek na Bhal Katian; Martin Ivan Diaz; Alvin Alcantara; at Elmer Barcelon, nagpa-pot session. Habang sina Cuya at Barcelon Jr. ay tumalon sa bintana.  Dito ay mu­ling hinabol ng tropa ang dalawa hanggang sa maaresto si Barcelon Jr. at marekober ang isang granada at isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Gayunman, muling nakapuga si  Cuya.

Nitong nakaraang buwan­, isang heneral ng Bureau of Fire Pro­tection na si Fire Chief Supt. Samuel Perez, at da­lawang kasamahan nito ang nabiktima ng grupo ni Cuya, ma­tapos na holdapin­ sa loob ng garahe ng una at kunin­ ang alahas at mga mamahaling gamit ng mga ito.

vuukle comment

ALBANO

ALVIN ALCANTARA

BARCELON JR.

BHAL KATIAN

CUYA

ELMER BARCELON

MARTIN IVAN DIAZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with