^

Metro

Sinagasa ng SUV Bata patay, 3 pa sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang grade 7 na estudyante habang malubhang nasugatan naman ang tatlo nitong pinsang mga kapwa bata rin maka­raang masagasaan ng isang rumaragasang “sports utility vehicle (SUV)”, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Agad na nasawi dahil sa pinsala sa ulo at kata­wan ang biktimang si Joshua­  De­­joseph, 12, ng no. 40 Tandang Manang St., Brgy. Pa­rada, ng naturang lungsod­.

Inoobserbahan naman ngayon ng mga manggagamot sa Valenzuela General Hospital ang mga pinsan na sina Ghil Gapaz, 10; John Cedric Agustin, 8; at John Mel Agustin, 10, kapwa residente rin ng nabanggit na lugar.

Nadakip naman ng pulis­ya ang suspect na nakila­lang si Tomas Misajon, 63, residente ng Jamica Drive Arborn Town Village, Ge­neral T. De Leon, ng natu­rang lungsod. Nahaharap ito ngayon sa kasong reckless imprudence resulting to homicide at multiple frustrated homicide.

Sa ulat ng Valenzuela Police, naglalakad ang mga bata sa gilid ng kalsada sa may S. De Guzman St., Brgy. Parada dakong alas-2:30 ng hapon nang biglang araruhin ng rumaragasang Ford Everest SUV (AFA 990) na minamaneho ni Misajon.

Pinakamalubhang pinsala ang natamo ni Joshua nang maipit ito sa pagitan ng sasakyan at ng isang pader. Agad namang sinaklolohan ng mga opisyales ng barangay ang mga biktima at isinugod sa pagamutan.

vuukle comment

BRGY

DE GUZMAN ST.

DE LEON

DRIVE ARBORN TOWN VILLAGE

FORD EVEREST

GHIL GAPAZ

JOHN CEDRIC AGUSTIN

JOHN MEL AGUSTIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with