^

Metro

Shootout: 2 holdaper utas

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang dalawang holdaper makaraang ma­ki­pagpalitan ng putok ng baril sa mga tauhan ng pulisya matapos ang isinagawang panghoholdap sa isang pampasaherong jeep kama­kalawa ng gabi sa kahabaan ng Quezon Avenue sa Quezon City.

Ayon kay PO2 Hermogenes Capili, may hawak ng kaso, patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan sa mga napaslang na suspek,  samantalang ang isa pang kasamahan ng mga ito ay mabilis na nakatakas.

Sinasabing ang tatlong suspek ay sumakay sa isang pampasaherong jeep (TXE 724) na minamaneho ng isang Bobby Caseres, 29, sa may Welcome Rotonda at pagsapit sa Quezon Avenue,   malapit sa D. Tuazon ay nagdeklara ng holdap at saka kinuha ang gamit ng mga pasahero.

Matapos makuha ang pakay ay mabilis na nagsibaba ng jeep ang mga suspect  na namataan naman ng mga nagpapatrulyang pulis  agad din namang humingi ng saklolo ang mga pasahero sa mga awtoridad na humabol sa mga suspect.

Imbes na sumuko ay pinagbabaril pa ng mga ito ang mga pulis na napilitan namang gumanti ng putok kung saan namatay ang dalawa sa mga una.

Nabawi mula sa napaslang na mga suspek ang mga gamit ng mga pasahero  at tatlong .38 caliber revolvers na sinasabing gamit ng mga suspek sa kanilang operasyon.

 

vuukle comment

AYON

BOBBY CASERES

HERMOGENES CAPILI

IMBES

QUEZON AVENUE

QUEZON CITY

WELCOME ROTONDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with