^

Metro

Contractor, pumalag sa holdap, sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 28-anyos na contractor ang sugatan nang ba­rilin ng dalawang hinihinalang holdaper nang manlaban ang una sa Brgy. Ugong, Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Isinugod sa Rizal Medical Center ang biktimang si Darwin Cabatingas, 28, construction contractor sa Edge Incorporation at residente ng Brgy. 201, Zone 20, Pasay City, dahil sa tinamong tama ng bala sa balakang.

Inaalam naman ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga di-kilalang suspek, na lulan ng motorsiklo nang isagawa ang krimen.

Dakong alas-4:45 ng madaling-araw nang maganap ang panghoholdap sa biktima sa kahabaan ng Ortigas Avenue­ Ext. sa Brgy. Ugong.

Naglalakad umano ang biktima nang bigla na lang harangin ng mga suspek, na kapwa nakasuot ng helmet, at tinutukan ng baril, sabay deklara ng holdap.

Tinangka naman uma­nong manlaban ng biktima sanhi upang barilin siya ng isa sa mga ito.

Bago tumakas ay tina­ngay ng mga suspek ang mahahalagang gamit ng biktima tulad ng isang Samsung tablet­, Samsung mobile phone, wallet na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng cash at ilang mahahalagang dokumento.

Ilang nagdaraan ang nakakita sa insidente at kaagad na isinugod ang biktima sa pagamutan upang malunasan.

vuukle comment

BRGY

DARWIN CABATINGAS

EDGE INCORPORATION

ORTIGAS AVENUE

PASAY CITY

PASIG CITY

RIZAL MEDICAL CENTER

SAMSUNG

UGONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with