^

Metro

Kelot dinukot ng mga armado sa QC

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang lalaking sakay ng Toyota Altis ang dinukot ng pito hanggang walong armado sa lungsod Quezon, kahapon ng umaga.

Sa inisyal na impormas­yon ng Quezon City Police Station 10, alas-11 ng umaga­ nang mangyari ang insidente sa may Roces Avenue, malapit sa Tuazon St., sa lungsod.

Diumano, sakay ang bik­tima ng isa umanong kulay puti at green Altis nang harangin ito ng isang Toyota Grandia sakay ang may walong armadong lalaki saka puwersahang tinangay ang una.

Samantala, ayon sa ilang saksi, ang suspect ay pawang matitipuno ang katawan at itsurang mga dayuhan na parang mga Tsinoy o Koreano.

Nang makuha ang biktima ay tinangay din ng mga suspect maging ang sasakyan nito.

Ilang minuto lamang umano ang tinagal ng naturang insidente dahil sa bilis ng kilos ng mga suspect.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang tropa ng QCPD Station 10 sa pangunguna ni Supt. Limuel Obon sa naturang insidente.

 

vuukle comment

ALTIS

DIUMANO

ILANG

LIMUEL OBON

QUEZON CITY POLICE STATION

ROCES AVENUE

TOYOTA ALTIS

TOYOTA GRANDIA

TUAZON ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with