^

Metro

Truck salpok sa gasolinahan: 2 patay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang truck driver at isang gasoline boy habang tatlo pa ang nasugatan nang araruhin ng truck na minamaneho ng una ang isang gasolinahan at saka magliyab pa sa Valenzuela City kahapon ng madaling-araw.

Kasamang natusta si Ramon Gabayan, 52, ng Plaridel, Bulacan sa minamaneho nitong dump truck (UMB-943) habang dead on arrival sa Valenzuela General Hospital sanhi ng 3rd degree burn ang gasoline boy na si Jonathan Miguel, 21, ng Bagbaguin, Valenzuela City.

Sugatan naman ang truck helper na si Ramon Pulay, 26 at Thomas Martin­, 52 checker. Sugatan din ang kahera sa gasolinahan.       

Sa ulat ng Valenzuela City Traffic Bureau, naganap ang insidente alas-2:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng Mac Arthur Highway, Brgy. Karuhatan ng naturang lungsod nang mawalan ng preno ang dalang dump truck ni Gabayan na may kargang mga panambak.

Kahit ilang sasak­yan na ang nasagi ng truck ay hindi pa rin ito huminto at nang lumabas ang isa pang truck na may mga kargang flywood sa Shell Gasoline Station ay iniwasan ni Gabayan hanggang sa sumalpok sa nasabing gasolinahan.

Hindi na nakalabas si Gabayan na naipit sa truck hanggang sa magliyab at nadamay si Miguel habang nasu­gatan ang tatlo pa.

vuukle comment

GABAYAN

JONATHAN MIGUEL

MAC ARTHUR HIGHWAY

RAMON GABAYAN

RAMON PULAY

SHELL GASOLINE STATION

TRUCK

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with