^

Metro

Negosyante, sugatan sa ligaw na bala

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasugatan matapos na ta­maan ng ligaw na bala habang sakay ng kanyang kotse sa Brgy. San Antonio, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay nakilalang si Elaine So, 58, negosyante at nakatira sa Beatle St., Valle Verde 6, Brgy. Ugong, Pasig City.

Inaalam naman na ng mga awtoridad ang pinagmulan ng ligaw na bala na tumagos sa kotse ni So at tumama sa kanyang balikat.

Batay sa report nina SPO1 Edward Maylas at SPO1 Michael Espares, kay P/chief Insp. Glenn Magsino, hepe ng Criminal Investigation Section (CIS) ng Pasig City Police, nabatid na dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Meralco Avenue­, Ortigas, Brgy. San Antonio, Pasig City.

Nauna rito, sakay ang biktima ng kanyang Toyota Fortuner (ZHF-605) na minamaneho ni Jhon Edmund Guda, 25, stay-in driver nang  bigla na lamang itong tamaan ng ligaw na bala.

Nang lingunin ni Guda ang biktima ay mayroon nang dugo na dumaloy mula sa kaliwang balikat ng biktima kaya’t kaagad na niya itong isinugod sa The Medical City upang malapatan ng lunas.

Wala pa namang makapagsabi kung saan nang­galing ang bala na tumama sa biktima.

Patuloy ang imbestigas­yon sa kaso.

vuukle comment

BEATLE ST.

BRGY

CRIMINAL INVESTIGATION SECTION

EDWARD MAYLAS

ELAINE SO

GLENN MAGSINO

JHON EDMUND GUDA

PASIG CITY

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with