^

Metro

2 dedo sa pamamaril sa Taguig

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang patayang nagaganap sa lungsod ng Taguig makaraang dalawang lalaki ang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin, kamakalawa ng hapon.

 Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan sa dalawang nasawi na kapwa may taas mula 5’2”-5’3”, parehong nakasuot ng maong na short pants, isa ang nakasuot ng berdeng t-shirt habang ang isa pa ay puting sando ang suot.

 Sa inisyal na ulat ng Taguig City Police, dakong alas-2:45 ng hapon nang marinig ang sunud-sunod na putok ng baril sa kanto ng Gumamela at Pamela Sts. sa Brgy. Lower Bicutan.  Nang respondehan ng mga awtoridad, tumambad ang mga bangkay ng mga biktima na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

 Sa panayam ng mga pulis sa isang residente, nakita niya ang isang lalaki na may bitbit na baril na papaalis sa lugar ng krimen. Agad na nagtatakbo siya papasok sa kanilang bahay sa takot na siya ang balingan sabay pagsasabing hindi niya namukhaan ang salarin.

 Bukod sa naturang residente, wala nang gustong lumantad upang ikuwento ang kanilang nasaksihan dahil sa maaaring sila umano ang pag-initan ng mga kriminal.  Blangko pa rin ang pulisya sa motibo ng krimen.

 

vuukle comment

BLANGKO

BRGY

BUKOD

GUMAMELA

INAALAM

LOWER BICUTAN

PAMELA STS

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with