^

Metro

Motorsiklo vs kotse: Mag-asawa patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Patay ang isang mag-asawa makaraang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang kotse sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PO2 Henry Luna ng Quezon City Police Traffic Sector 4 ang mga nasawi na sina Angelito, 35, at Crystal Ofiana, 35;  kapwa residente ng  Road 7, First West, Crame San Juan City.

Hawak naman ng awtoridad ang driver ng kotse na nakilalang si Sidney Ang, 35, residente sa La Isla Condo Pasig City.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Granada St., Brgy. Valencia, ganap na ala -1:30 ng madaling-araw.

Diumano, minamaneho ni Angelito ang kanyang scooter (FP-2950) angkas ang asawang si Crystal para ihatid sa pinagta-trabahuhan nitong call center sa may Gilmore, Aurora nang pagsapit sa lugar ay biglang makasalpukan nito ang Honda City (XLV-136) na minamaneho ni Ong.

Sa lakas ng pagkakasalpok, nahiwalay ang manibela ng motorsiklo ng mga biktima  sanhi para matinding mapinsala ang kanilang mga katawan.

Base sa pahayag ni Ong, habang nagmamaneho ay nasilaw  umano siya sa sinag ng ilaw na tumatama sa harapan ng kanyang kotse hanggang sa maramdaman na lang niya ang isang malakas na kalabog mula sa harapan nito.

Agad namang isinugod sa magkahiwalay na ospital ang mag-asawa, pero binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang kinakaharap ngayon ni Ong.

vuukle comment

CRAME SAN JUAN CITY

CRYSTAL OFIANA

FIRST WEST

GRANADA ST.

HENRY LUNA

HONDA CITY

LA ISLA CONDO PASIG CITY

ONG

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

SIDNEY ANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with