^

Metro

Fetus, sanggol itinapon

Angie dela Cruz, , Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Isang fetus at sanggol ang natagpuan kahapon sa magkahiwalay na lugar sa  Pasay at Navotas City.

Sa bunton ng basura nakita dakong alas-8 ng umaga ang fetus sa harapan ng isang bahay sa Tramo St. ng nasabing lungsod.

Base sa imbestigasyon ni SPO1 Ariel Inciong ng Station Investigation and De­tective Management Section (SIDMS), isang basurero ang nakadiskubre sa fetus na binalot lamang ng isang tela na mukhang basahan.

Laking gulat nito nang tumambad sa kanya. Po­sible umano na may hilot sa naturang lugar na siyang nagsasagawa ng paglalaglag ng sanggol at nagpapabayad sa mga ina na ayaw pang magkaanak.

Samantala, nakasilid  naman sa loob ng isang itim na shoulder bag ang sanggol na natagpuan kamaka­lawa sa Navotas City dakong alas-4 ng hapon sa Riverside, Galunggong St., Bgy. North Bay Boulevard South.

Ayon kay Ronald Losloso, 19, napansin niya ang bag kung kaya’t kaagad niya itong ti­ningnan at laking gulat nito nang makita ang bangkay ng sanggol na babae.

Patuloy ang imbestigas­yon ng mga pulisya upang matukoy kung sino ang nagtapon sa dalawang fetus.

vuukle comment

ARIEL INCIONG

AYON

GALUNGGONG ST.

MANAGEMENT SECTION

NAVOTAS CITY

NORTH BAY BOULEVARD SOUTH

RONALD LOSLOSO

STATION INVESTIGATION AND DE

TRAMO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with