^

Metro

6-anyos inararo ng AUV, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 6-anyos na batang babae, kritikal naman ang ama nito at isa pang matandang lalaki nang araruhin ng isang  Ford Ranger sa Caloocan City kahapon.

Dead-on-the-spot sanhi ng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Mary Grace De Vera,  ng Gen. Pio Valenzuela St., ng naturang  lungsod.

Kapwa ginagamot naman sa Philippine Orthopedic Hospital sanhi rin ng pinsala sa ulo at katawan ang tatay ng nasawi na si Ruel, 42,   at isang Lito De Guzman, 67.

Iniimbestigahan naman sina Juan Docunayan, 67,  ng Nangka Road,  Malabon City,  driver ng Ford Ranger (PBI-900) at   Celso Carisma, 45,  na driver naman  ng Fuso Jeep ( TVB-352).

Naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng tanghali habang kapwa binabagtas nina Docunayan at Carisma ang kahabaan ng MacArthur Highway at pagsapit sa area ng Caloocan City ay nagkasagian na naging dahilan upang mawalan  ng kontrol sa manibela si Docunayan at nahagip ang naglalakad na si De Guzman.

Tumilapon si De Guzman at bumalandra sa windshield ng nakaparadang L-300 (JJJ-811), kung saan nagpatuloy pa si Docunayan at nahagip ang dalang pedicab ni Ruel habang sakay ang nasawi.

Tumilapon din ang mag-ama at napuruhan si Mary Grace, na naging dahilan ng agarang kamatayan nito.

 

vuukle comment

CALOOCAN CITY

CELSO CARISMA

DE GUZMAN

DOCUNAYAN

FORD RANGER

FUSO JEEP

JUAN DOCUNAYAN

LITO DE GUZMAN

MALABON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with