^

Metro

Parking attendant, bugbog-sarado kay ‘Mayor’, 3 bodyguards

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabog ang  mukha ng  isang parking attendant ng  Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB)  matapos na sapakin at pagtulungang bugbugin ng  umano’y nagpakilalang mayor at mga bodyguards nito kamakalawa ng  hapon sa  Mabini St., Manila.

Ayon kay MTPB chief Carter Logica, dakong alas-3 ng hapon nang makasagutan ng kanyang tauhan na si  Joseph Purisima ang isang  lalaki na kalalabas lamang ng Prestige Salon and Barber shop sa Mabini St.

Bago nangyari ang pambubugbog, sinabi ni Purisima na dakong alas-6:30 ng umaga nang makita niyang nakaparada na ang sasakyang puting Starex (ZSZ-458) bago siya du­mating sa kanyang puwesto. Dito ay tinanong niya ang isang lalaki  kung magtatagal sa lugar. Sinabihan siya ng lalaki na sandali lamang sila.

Minabuti naman ni Purisima na sabihan na hindi muna sila titikitan sa loob ng 15 minuto. Subalit ang pagparada ng sa­sakyan ay tumagal hanggang alas-3 ng hapon. Dito na sinabihan ni Purisima ang lalaki na kailangan na nilang magbayad dahil magre-remit na ito.

Bigla namang  lumabas ang nagpakilalang mayor at agad na sinapak si Purisima kung saan nakibugbog na rin ang tatlo umano nitong bodyguards. Nang makitang marami ang naka­tingin, mabilis na umalis ang  hindi pa nakikilalang suspect. 

Kaugnay nito, nakapagtataka na sa pagberipika sa Luneta PCP, iba  ang  plaka ng sasakyang ibinigay ng pulis sa ibinigay ng  biktima. Plakang XKL-525 ang  ibinigay ng  pulis, samantalang ZSZ-458 ang sa bikitima.

 

vuukle comment

AYON

CARTER LOGICA

DITO

JOSEPH PURISIMA

MABINI ST.

MANILA TRAFFIC AND PARKING BUREAU

PRESTIGE SALON AND BARBER

PURISIMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with