^

Metro

Gun for hire miyembro ng PA, 3 pa timbog sa NBI

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang aktibong miyembro ng Philippine Army at  tatlong tauhan nito na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng gun-for-hire.

Sa pinadalang ulat ng National Bureau of Investigation  -- Death Investigation Divi­sion (NBI-DID),  kinilala ang  lider ng grupo na si T/Sgt. Robert Yadao, aktibong miyembro ng Hukbong Katihan ng Pili­pinas at mga tauhan na sina mga Gerry Tactacon, 41, dri­ver; Raquel Layusa, 36, cons­truction worker; at Da­nilo Galvan­ 24, tricycle driver.    

Nabatid na pinasok ng NBI-DID ang lugar ng Pa­ yatas, sa Quezon City para matunton ang bahay ni Yadao, kung saan nakuha sa loob ng bahay ng sundalo  ang isang “modified” na .45 kalibre na baril at daan-daang piraso ng mga bala.

Nahuli sina Tactacon,  Layusa at Galvan sa Kapa­laran St., Commonwealth Ave., Quezon City.

Ang pagkakadakip sa  apat na suspect ay batay sa reklamo ng negosyanteng si Butch Cosme  nang malaman na may plano ang  grupo ni Yadao na siya ay  patayin, kasama ang  kanyang nanay at nakababatang kapatid.

Ayon kay NBI Senior Agent Zaldy Rivera, isa umano sa mga miyembro ng  gun for hire, na nagpakilalang ‘Tata’,  ang nagpakita mismo ng  litrato  ni Cosme, nanay at kapatid at granada na gagamitin sa harap ng ka­ nilang bahay.

Ibinunyag umano ng nagpakilalang ‘Tata’ na nagka­onsehan sa bayad kaya isi­numbong  ang plano sa  mga dapat na maging biktima.

Sinabi ni ‘Tata’ na kinon­trata siya ng grupo ni Yadao para patayin ang mag-ina sa halagang P150,000.

Sa report ni NBI-DID Head Agent Ferdinand Lavin, malapit na kaanak ang mastermind sa plinaplanong pag­patay, ngunit tumangging tukuyin ang dahilan.

Sa panig ni Yadao,  na nasa kostudiya na ngayon ng Military Police ng Philippine Army Provost Marshall, mariin niyang itinanggi ang nasabing akusasyon.

Habang si ‘Tata’ ay ka­kasuhan ng illegal possession on firearms at nakakulong ngayon sa NBI jail.

vuukle comment

BUTCH COSME

COMMONWEALTH AVE

DEATH INVESTIGATION DIVI

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

SHY

TATA

YADAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with