^

Metro

Amerikano patay sa tandem

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nalusutan ng mga gun for hire na riding in tandem ang pulisya makaraang pagbabarilin at mapatay ang isang American national habang nasa loob ito ng kanyang pag-aaring coffee shop, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Doctors Hospital ang biktimang si Jeff Watts, 62,  ng Swazziland at Sorenam Sts., Better Living Subdivision, ng nabanggit na lungsod.  Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa ulo.   

Sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-7:15 ng umaga sa loob ng coffee shop.  Pinamamahalaan ng biktima ang shop nang dumating ang dalawang lalaki at agad itong nilapitan saka pinaputukan nang malapitan ng dalawang beses sa ulo ang dayuhan.

Agad na tumakas ang dalawang suspek lulan ng isang motorsiklo makaraan ang pamamaril. Mabilis namang sinaklolohan ng mga tauhan ang Amerikano at isinugod sa pagamutan.

Patuloy naman inaalam ng mga awtoridad kung mayroon nakalagay na close circuit television (CCTV) camera sa coffee shop nang biktima upang matukoy at makilala ang mga salarin.

Sa pagsisiyasat, hindi pinagnakawan ng mga suspect ang coffee shop kaya malabo na pagnanakaw ang motibo. Malaki ang tsansa na mga propesyunal na bayarang hitman ang dalawang salarin na bumaril sa biktima.

vuukle comment

AMERIKANO

BETTER LIVING SUBDIVISION

DOCTORS HOSPITAL

JEFF WATTS

MABILIS

MALAKI

NAGTAMO

SORENAM STS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with