^

Metro

Obrero hulog mula 8th floor, dedo

Ludy Bermudo - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Patay ang isang 19-anyos na construction worker nang mabagok ang ulo dahil sa pagkahulog mula sa ika-8 na palapag ng itinatayong gu­sali sa Paco, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Philippine Ge­ne­ral­ Hospital (PGH) ang biktimang si Rolan Magdadaro, stay-in sa cons­truction site  na matatagpuan sa Penafrancia St., Paco.

Sa ulat, dakong alas-8:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa na­banggit na construction site nang umakyat ang biktima at kasamahan nito na si Alladin Suan sa 8th floor ng ginagawang gusali suot ang kanilang safety hat at belt  at ika­kabit na sana ang hook ng safety belt sa lubid nang tumama ang suot na safety hat sa isang makapal na lubid.

Nawalan ng balanse ang biktima  at sa kama­lasan ay hindi pa man nito naila-lock ang hook ng kaniyang safety belt kaya bumulusok ito at tumama muna ang ulo sa isang matigas na bagay bago pa masalo ng safety net. sa ikalawang palapag. Nabatid na nagkaroon ng internal hemorrhage sa ulo ang biktima na sanhi ng kaniyang kagyat na kamatayan.

vuukle comment

ALLADIN SUAN

MAYNILA

NABATID

NAWALAN

PATAY

PENAFRANCIA ST.

PHILIPPINE GE

ROLAN MAGDADARO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with