^

Metro

Ginang patay sa sakal ng lover na tibo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ginang ang umano’y sinakal hanggang sa mapatay ng ka-live-in na tomboy  matapos mag-away sa lungsod Quezon kahapon ng madaling- araw.

Ayon kay SPO1 Cristituto Zaldarriaga,  may-hawak ng kaso, nakilala ang biktima na si Josephine Ba­langquit, 51, residente ng  Suszuaregui, Diliman, sa lungsod.

Si Balangquit na nagta-trabaho sa isang laundry ay nasawi ka­sunod ang pakikipagtalo nito sa live-in-partner na kinilalang si Patricia Pilapil, 56, ganap na alas-3 ng madaling- araw sa loob ng kanilang tinutuluyan.

Nanatili namang at- large ang suspect na biglang naglaho ma­tapos ang krimen.

Ang biktima ay na­tagpuang walang malay habang nakahandusay sa sahig ng kanyang kwarto.

Agad siyang iti­nakbo ng kapitbahay sa East Avenue Medical Center (EAMC) pero idineklarang dead-on- arrival.

Nalaman ng mga doktor na ang biktima ay pinatay sa sakal dahil sa may bakas ito ng marka ng tali sa kanyang leeg.

Nabatid ni Zal­darriaga sa mga tao sa paligid na ang dalawa ay madalas na nag-aaway. Nais umano ng biktima na tapusin ang relasyon nito kay Pilapil na naglalagi na sa kanyang bahay.

Sabi ni Mildred Belonio na rumirenta sa isa sa mga kuwarto ni Balangquit, narinig umano niya ang dalawa na nagtatalo sa oras na nabanggit.

“Sige patayin mo na ako tutal ganyan ka naman lagi sa akin, lagi mo na lang ako tinatakot na papatayin, saksakin mo na ako,” ito anya sabi ni Belonio ang naalala niyang sinasabi ng biktima habang nagtatalo.

Nang huminto ang komosyon, nagtaka si Belonio at nagpasyang tiNgnan kung ano ang nangyari. Pagkasilip niya sa naka-awang na pintuan ay nakita niya ang biktima na nakahiga sa lapag ng kanyang bedroom.

Agad na tumawag ng tulong si Belonio sa ilang kapitbahay at dinala ito sa ospital kung saan siya idineklarang patay. 

 

vuukle comment

AYON

BALANGQUIT

BELONIO

CRISTITUTO ZALDARRIAGA

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

JOSEPHINE BA

MILDRED BELONIO

PATRICIA PILAPIL

SI BALANGQUIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with