^

Metro

Binatilyong nangholdap, pumatay sa mag-ama, tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inaresto ang isang 17-anyos na lalaki  nang ituro ng isang saksi na kabilang  sa nangholdap at pumatay sa mag-ama sa Del Pan bridge  sa Port Area, Maynila.

Dakong alas-12:15 ng madaling-araw kahapon nang damputin ang suspect na si Ernilu, 17, miyembro ng Batang City Jail at residente ng 12th  St., Port Area sa gate 3, Port Area.

Una rito,  isang saksi ang nagturo sa suspect na si Ernilu, na kabilang umano sa dalawang holdaper na nambiktima kina Eddie Pangaronan Veron,  49, market helper­, at anak na si Erick habang naglalakad sa tulay ng Del Pan, na nanggaling umano sa palengke dakong alas- 3:00 ng madaling-araw.

Dahil pumalag ang biktima ay sinaksak ng dalawang ulit sa dibdib si Eddie na naging dahilan ng  kanyang kamatayan.

Sa follow-up operation ng MPD-Del Pan PCP, sa pamumuno ni P/Sr., Insp. Mangune, hindi na­kapalag ang suspect nang positibong kilalanin at ituro ng saksing hindi pinangalanan. Narekober sa kanya ang isang patalim na may marking “ERB”.

Nagsasagawa pa ng manhunt sa isa pang suspect sa krimen.

 

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

DAHIL

DAKONG

DEL PAN

EDDIE

EDDIE PANGARONAN VERON

ERNILU

PORT AREA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with